my youngest brother, owie, passed the UPCAT. im so happy and excited for him, he'll be studying in Diliman next school year. mabuhay, isa ka ng iskolar ng bayan!
ilang bagay na napulot ko sa peyups para sa mga bagong salta (o di ba, excited talaga ko para sa kapatid ko):
TBA - to be announced. wag magpaloko sa mga ate at kuya. pagaralan ang maps at kits from FOPC at wag itambak.
alamin ang difference ng route ng IKOT at TOKI
tandaan na hindi contrabida ang upperclassmen. they are not out to get you.
kung nagmamadali ka at galing ka ng engg/math tapos papunta ka ng math/engg, walang diff sa oras ang walking at toki. pawisan ka nga lang kung maglalakad ka.
wag tawaging palma hall ang AS para hindi magmukhang nawawala.
masarap sa beach house.
maraming nag memake out sa lagoon.
hindi lahat ng tao ay nakapambahay o mahaba ang buhok.
Matutong makiusap sa professor. Kapag kuwatro, removals lang ang katapat. Usually, ang exam sa removals ay partial coverage lang, kaya it helps kung i-review ang lahat ng pinag-aralan. Pero kapag sa removals, usually the prof will tell you the coverage kasi ayaw ka na rin niyang maging estudyante ka uli.
wag kunin na prof si cases sa PE. lahat ng ka batch ko, nirereklamo nila ang pe nila pag sya ang prof.
Kapag mamimili ng GE/elective, wag lang ibase sa title. Kung kaya makakuha ng information about the subject, by all means, pursue it. Prof, requirements, etc.
At all times, try to graduate on time. Kung magshishift, magshift, ideally, after 1st year para hindi madelay. Kahit na sabihin nilang wala sa course yan, believe me: you have to enjoy what you're learning, and you have to be able to apply it. Para astig at enjoy.
Pag may lumapit sa yo na nag-ask ng "Would you like to go with me to study the Bible?", avoid him/her like the plague.
hindi na tumatayo pag nagrerecite sa klase. Tapos na HS.
sa pagkakaalam ko, mas mahal ng piso (ata) ang turon sa gitna ng AS at FC kaysa sa tapat ng CASAA.
matutong gumawa ng makabuluhang papers. Kung sanay ka sa search net-copy-paste-hocuspocus-print na mga papers, tsk tsk Uwi ka na lang
kapag bumagsak ka ng exam, huwag mong dibdibin, pero huwag mo ring dedmahin. it's not the end of the world. make an effort to do better next time.
sa mga groupwork, wag kang maging sobrang OC, pero wag ka ring maging scum of the universe. your groupmates will resent you for being one or the other.
tanggapin mo na lang na mahabang proseso talaga ang registration.
wag ka ng magsayang ng effort sa STS. greek rin naman ang lalabas sa exam.
may tamad, average, at sobrang ok na students. this also applies to profs.
wag mong isipin na nagiisa ka sa buong UP na hindi pa alam ang gagawin sa buhay na nila. marami kang kasama. kahit graduate na nga meron pa ring hindi pa sure kung ano ang gusto nilang gawin.
magaan lang ang acad load 'pag freshman kaya ang daming free-time para sa ibang activities. problema 'pag hindi mo namalayan na end na pala ng sem tapos finals na. tapos i-ka-cram mo lahat ng natutunan mo in one sem the night before the exam. hindi ito mag-wo-work sa mga science subjects like math 17 or chem 16, for example. in short, iwasang mag-procrastinate. maraming buhay ang sinira nito sa UP.
huwag padala sa peer pressure kung mag jo-join ng org, frat/soro, etc. isiping mabuti kung makakabuti ba talaga sa iyo ang pagsali o hindi. kung hindi mo talaga feel mag-join, panindigan ang pagiging "barbarian" dahil marami rin naman katulad mo. madalas, yung mga barbarians ang mga interesting na tao.
ooooppps... i got carried away. gusto ko na ulit maging estudyante!!!!
grays|*mumbles to herself*
| 9:19 AM
2 bouncing feedback(s):
sobrang na-fefeeling ko rin ang ganyang ka-sentihan dahil graduating na ako this sem *yes...*. i study in uplb so hindi ako masyadong masakyan yung iba, but in general, agree ako sa mga sinabi mo. he he. :)
By ie, at Wednesday, March 01, 2006 6:09:00 PM
wow, congrats sayo. and good luck sa bagong mundong haharapin. ako naman eh isa ng slave sa corporate world sa ngayon, at gustong gusto nang bumalik sa pagiging estudyante. simpleng buhay, kay saya... hehehe. :P
taga UPLB rin ang kapatid kong isa. :P freshie sya ngayon. baka nakakasalubong mo sya dyan somewhere..hehehe :)
By grays, at Thursday, March 02, 2006 9:20:00 AM
Post a Comment
<< Home