1.31.2006

| try to smile |

pagkatapos ng matagal tagal ring pag susupply ng walang katapusang quotes buhat sa mga kung anu anong website na napagkikikita ko... naisipan kong mag post ng may sense. well, at least, sana nga meron. mahaba haba rin ang aking posting hiatus phase. sinadya ko ito. wala kasing magandang masabi. sabi nga ng lola ko, kung wala kang magandang sasabihin, manahimik ka na lang. tama naman di ba? Not Sure

naisip ko rin na hindi ako magrereklamo sa entry na to. sawa na ko kakareklamo. nakakapagod din pala. wala man ako sa receiving end, i feel for those people na nagagambala ko sa aking walang katapusang angal sa buhay. kung nababasa nyo to, patawad. and if it is any consolation, just keep in mind that you kept me sane in this whole ordeal. at dahil ekis ang pagrereklamo, this would be something to smile about.

kaya lang, ano bang pwede kong isulat dito na mag ffall sa category na something to smile about? kung kahapon mo ko tinanong, ang sagot ko ay isang malutong na "WALA".

Rolling Eyes eto tingin mo, pwede na...

Smilepag nagising ka ng alas singko y media ng umaga, chances are, walang traffic papunta sa ayala, at wala ang pagkahaba habang pila. ganyan ang araw ko kaninang umaga. nakakaantok oo, pero sulit sa gaan ng pakiramdam at aliwalas ng daan.

Smile minsan, may mga taong unexpectedly eh makakasabay mo pagpasok. at kahit inaantok ka pa kaya di mo sya agad nakilala... ililibre ka nya. dahil once in a blue moon lang mangyari na may manlibre sa kin sa umaga,exception to the rule si junjun syempre, masarap pala ang feeling.

Smile dahil invisible mode ako pag nasa office, its nice to know na pag di ka nag reply, or di ka nag email, or di ka nagparamdam gaya ng nakaugalian, may maghahanap sa yo. may makakapansin na hindi ka nag open ng outlook. may makaka ramdam na tinamad kang mag reply sa ym. may mga taong may care sa invisible existence mo. can these people be any sweeter?

Smile para saan pa ang cellphone kung wala namang nagtetext? para saan pa ang telepono kung hindi naman nag riring? buti na lang at me makulit akong pinsan na sa sobrang kulit eh kelangan pa kong tawagan ng tawagan para sa ipinapabili nyang dvd. sobrang kulit, pero sweet para sa kin.

Smile if you need a feel good movie that you could watch over and over again try my list: 1 my best friend's wedding, 2 pretty woman, 3 notting hill. arranged according to the most number of times viewed. yah, im so desperate for julia roberts's flick. but these movies never fail to make me feel good despite the fact that practically, i have the script memorized on my my head.

Smileyou know how i would define sweet these days? yung paghihintay ng halos dalawang oras bago umuwi. yung constant reminder na compared sa kahit sino, and i mean kahit sino talaga, para sa mga mata nya, ikaw ang pinakamaganda. yung paghihintay habang nagpapakabaliw ako sa pagsusukat ng mga damit kahit na we both know na wala naman akong bibilihin. yung makita ka lang naka smile, nawawala na ang pagod ko at ang sama ng loob ko sa mundo, naglalaho.

Smile buti na lang at naimbento ang email. nakakabawas ng kalungkutan. buti na lang at naimbento ang chat. masarap ang may kakwentuhan. buti na lang at naimbento ang internet. madaming pwedeng basahin. buti na lang at hindi mahigpit ang IT dito sa office. pwede mag install ng kung anu ano. mag download ng kung anu ano. pwede magkalikot ng kung ano ano. just imagine, kung wala ang mga bagay na yan, baka namatay na lang ako dito sa upuan ko sa kabatuhan.

gusto kong magbakasyon. ng mahaba. yung sulit na pahinga. with pay. dream on, ryt? well... pangarap ko yan. to get away from this harsh reality im facing. to be free of every ounce of stupidity this world of mine dictates. plainly, to vanish for a while and gather enough strength to do what i have to do. to make a difference. and to stop saying that there is indeed no choice. sorry, sabi ko bawal ang reklamo di ba? ayan na naman... non-stop talaga ako pag nasimulan.







Get awesome blog templates like this one from BlogSkins.com