3.24.2006

| my desk |

wala ako sa mood. kaya naisip kong ilista ang mga gamit sa desk ko. yep, ganyan ako kabato ngayon. pero technically, dapat may ginagawa ako. technically.

1. 2 keychain na galing sa enchanted. pasalubong sa akin ng isang batang nag enchanted ng hindi ako kasama. :(
2. 6 na mickey mouse keychains. galing sa mga kaibigang napilit kong pasalubungan ako sa tuwing sila'y pupunta sa disneyland. 5 came from japan (salamat kay she at mabel) and one came from hongkong (salamat kay marc).
3. 6 colorful magnets na parang clay yung surface. isang friendship magnet na galing sa papemelroti.isang smiley na magnet na galing kay jaz. isang crab magnet na binili namin sa tiendesitas pagkatapos naming mag red crab buffet nung christmas.
4. isang 4x6 na picture na kuha sa puerto galera.
5. 8 maliliit na snoopy stickers na naidikit ko lang isang araw na wala talaga akong magawa.
6. sketch ni eeyore na binigay ni peachy.
7. si froggy (isang munting kulay orange na palaka) na nasa taas pa rin ng cpu ko.
8. isang maliit na baso na kulay white na may tatak na starbucks. nakuha lang namin to na may sample na mocha marshmallow (di ko alam kung anong tawag sa drink na yun).
9. 3 kiddie meal toy (isang kangaroo, isang mickey mouse at isang pooh).
10. calendar na parang bola ng football na galing kay marco. yung ina adjust para magpalit ng date.
11. rubix cube. di ko pa rin mabuo.
12. yellow cab pistachio ice cream canister.
13. porkchop pillow na bigay ni april.
14. si mr. big nose na bigay ng mga kaibigan.
16. isang bote ng alchohol. (hindi yung nakakalasing ha).
17. isang oval mirror na kulay purple.
18. dalawang tumbler. isang para sa water. isang para sa coffee. isang batman. isang starbucks na christmas ang theme at kulay yellow.
19. tissue holder na kulay orange at syempre may lamang tissue from ancar and marco.
20. isang lata ng pringles na meron pang onting laman at di ko matapon tapon.
21. isang parang some sort of a clip holder na nilalagyan ko ng unused ballots at calendar pages.
22. calendar na hindi ko naman tinitingnan.
23. ip phone. na bihira namang mag ring.
24. isang blue na rubber band na di ko talaga alam kung saan nanggaling.

i think that's about it... now, yung pedestal ko, as usual, magulo. i wont even attempt to start.

* * *
there's so much going on in my mind right now...
listening to:shuffled music from iTunes
currently feeling:uncertain
* * *
at para sa isang taong laging tulog, nakakamiss ka. sobra. :)

3.07.2006

| bored of being bored |

dahil wala talaga akong magawa, naisip kong hanapin ang dulo ng internet. yeah, ang wierd di ba. actually, si jun jun ang unang nagbigay ng idea na yan. kasi sabi nya, "magbasa ka ng wikipedia, pampatalino. ako nahanap ko na ang dulo ng internet, ikaw ba? alam mo kung nasaan". pathetic as it may sound, na intriga naman ako. so the result of my query? warning lang, bawal ang violent reaction at bawal ding mang okray. :)

click here: http://en.wikipedia.org/wiki/Last_page_of_the_internet

eto pa, curious ka ba kung ano ang meron or should i say rumored na meron sa last installment ng harry potter books? take a peak?

click here: http://en.wikipedia.org/wiki/Harry_Potter_7

nadiscover ko rin ang website ng class ng kapatid ko kanina lang. mejo mabagal lang mag load kaya pasensya... :)

click here: http://earthlings.somee.com/earthlings2/default2.asp

o di ba, kahit papanoh may nangyari sa araw ko.

eto naman ang gusto kong gawin ngayon

Clubbing Computer pardon the violence... naisip ko lang, kung makakapunta ako dun sa restaurant sa tarlac (palaisdaan) kung saan pwedeng mag hagis ng pinggan sa pader just for the heck of it, ang ihahagis ko ay computer monitor.

Get awesome blog templates like this one from BlogSkins.com