4.25.2006

| recently part 2 |

medyo di pa ko inspired mag blog kaya wala pa kong masulat na matino. ano bang meron?

...nagbowling kami kahapon. at natalo ako. pero masaya. tawa kami ng tawa. yung isang bata kasi dyan, date ng date. hay naku talaga. wala na ha. putulin na lahat ng ugnayan. :D

...medyo lie low sa jewel dahil wala akong time manood pag uwi ko pagod na ko at natutulog na lang. pero may bago akong obsession ngayon. wonderful life, a comedy-romance korean novela which started to air last week. ang cute ni henry. parang mamang mama ang dating. astig.

...kung kelan naman na eexcite na ko and all saka pa nila sasabihin na ipopostpone daw ang sagada trip namin. hay, sana matuloy. if ever, ngayon pa lang ako mkakapunta sa rice terraces at ngayon pa lang din ako makakakita ng kweba. sana talaga matuloy.

...first quarter of the month at napansin ko lang na sunod sunod ang "storms" na nararanasan ng pamilya. una, ang lolo ko. inoperahan sya sa liver. then, this month lang, ang mama ko, inoperahan din, sa ovary naman. kaya sobra talaga akong nalungkot when i woke up this morning and found out that my lola is in the hospital. grabe talaga... nakakatako. matanda na ang lola ko, she is 73 years old. but despite the age, malakas pa sya at maliksi. walang nararamdaman na kahit ano sa katawan. kaya nagulat kami nung mag text si tita zeny kanina. nasa polymedic daw ang nanay. and the thing is, hindi sya magising. up to this moment, uncoscious pa rin sya. nakakatakot talaga. pero wala namang pwedeng gawin kundi magdasal. sabi nga ni mabel, God can. i hope na maging okay na ang condition nya. last update, nasa icu na daw sya. and hindi pa rin nagigising. haaay.

...meron pa rin kaming project ngayon. kaya masaya ako. di na ko tambay! yey. inuunti unti ko nga yung task eh. kasi baka pagnatapos to...back to zero. hay, sana naman hindi.

...maganda talaga ang jewel in the palace. ang brilliant ng konsepto. although most of the time naiisip ko na napaka imposible na ganun kagaling si jang-geum, ang lupit pa rin. narealize ko lang lately na natutuwa ako sa mga films/series na historical ang theme. kaya nga favorite ko ang pride and prejudice, dangerous beauty, little women at kung anu ano pa. naalala ko rin na there was one period during high school na ginusto kong maging teacher (ng history).

im feeling: worried
im listening to: nothing
im staring at: the lifeless monitor
im wearing: a while collared shirt and jeans
im eating: nothing
im thinking of: him




Get awesome blog templates like this one from BlogSkins.com