7.22.2005

| Repost - Ang Labo Mo |



Ang Labo Mo...
article created last: 03/31/04 : 0839am

Ang labo mo.

Ang labo. Yan ang generic na comments ng mga friends ko kapag nagkkwento ako ng tungkol sa yo. Yan din ang buntong hininga ko kapag naiisip kita. At yan din ang himutok ko sa kung ano mang bagay sa kalawakan na meron tayo ngayon.

Kapag tinitingnan kita sa mata, nalulula ako. Kapag magkasama tayo, konting friction lang, nagiiba ang pakiramdam ko. Kapag di kita nakita or nakausap or naitext, hindi ako mapakali. At sa oras oras na ginawa ni God, naiisip kita. I was kind of hesitant to admit it at first, kasi hindi ako sanay ng nagkakaganito. And to be vocal about it...naku, kung alam mo lang kung gaano kahirap yun sa part ko. I grew up in a family where feelings are not something that you can discuss over dinner. Kaya malihim ako lalo na kung tungkol sa mga nararamdaman ko. Pero syempre, lahat yun nakalimutan ko nung nagsimula ang dilemma ko tungkol sa yo.

Di ka naman sweet eh. Walang konsepto ng pagiging romantic na nananalaytay sa laman mo, sure ako dun. Pero kapag magkasama tayo, feeling ko ang special ko. Eh sundin mo ba naman lahat ng gusto ko eh. Yung tipong even the smallest details gusto mo mapagbigyan mo ko? Minsan nga kahit di mo trip yung movies na gusto ko, nagppretend ka na lang na excited eh.Di ka magaling magpanggap kaya alam ko. One time nga magkahawak tayo ng kamay sa movie, nararamdaman ko talaga na mahal mo ko. Kaya all throughout, naka-smile ako. Hindi mo nga lang siguro nakita kasi madilim and of course, you're supposed to look at the screen. Yung mga night walks natin, yun yung best part para sa akin. Feeling ko ang payapa. As in I feel so secured with you, minsan ayoko ng makita ka kapag maghihiwalay tayo. Kasi nasasaktan ako na natapos na yung ilang oras na kasama kita. And then I'll start counting the hours and days and sometimes weeks kung kelan ulit kita makakasama. Yah, I know, adik na ata ako sa yo eh.

And dont worry alam kong mahal mo ko. Nararamdaman ko na totoo, in your own special way you make me feel cared for and loved. Love din kita, and dont worry, tanggap ko kung sino ka ang lahat lahat ng tungkol sa yo. Kaya kahit na mushy ako at sentimental at kahit na mas gusto yung sweet and thoughtful, i fully understand kung hindi ko masyadong makita sa yo yun. Believe me, you have taught me how to appreciate the simple things na ginagawa mo.

Sana lagi na lang ganito. Sana yung mga magical moments, hindi mawala at hindi natin pagsawaan. Sana yung mga ngiti sa labi at kislap sa mata na nagraradiate kapag magkausap tayo, hindi kumupas.

Sana alam mo na ganito ang nararamdaman ko. At sana rin alam ko kung ano ang nasa isip mo.

Ano ba talaga, tayo ba o imagination ko lang lahat ito? Ang labo di ba?

Get awesome blog templates like this one from BlogSkins.com