8.05.2005

| the day when it rains |

haaay ulan

ang sarap ng pakiramdam kapag umuulan. ang sarap ng dampi ng hangin at ng tunog ng patak ng tubig. ang payapa ng paligid at ang kulimlim ng langit, parang makahulugan ang katahimikan sa daan. kaya lang, pag umuulan... hay, ang trafic. ang hirap sumakay. kailangan, may payong ka para hindi ka mabasa. otherwise... well you can imagine.

parang love yan eh. masarap sa pakiramdam. kapag dumarating, minsan di ka prepared. kadalasan, maiipit ka sa gitna. kapag minamalas ka...babagyuhin ka pa. kasabay ng payapang paligid biglang kukulimlim ang langit. parang nagbabadya ng unos na parating. sa love kasi, hindi lahat saya. darating ang oras na magkakaroon ka ng problema. na magiisip ka kung ano ba talaga ang nararamdaman mo. pag hindi ka handa sa ganyang pagkakataon, kawawa ka. kasi, panigurado mababasa ka, mahihirapang sumakay. matrafic. kung hindi... para kang basang sisiw. lost.

pero sa buhay, kasama talaga ang problema. minsan, nalulusutan natin yan. minsan naman... kelangang nating tanggapin kung ano man ang kahinatnan ng mga bagay. isipin mo na lang na nangyayari ang lahat dahil may dahilan. at kung anu man yun... mag ccontribute para maging mas malakas ka para sa susunod na pagbuhos ng ulan.

isipin mo na lang na pagkatapos ng bagyo, sisikat ulit ang araw.

Get awesome blog templates like this one from BlogSkins.com