10.27.2005

| the day after watching my sassy girl (again) |

my-most-loved-movie of all time

I am officially the most pathetically-romantic person there is. Mga dalawang dosenang beses ko na napanood ang My Sassy Girl. If you’d look at my friendster profile, you’ll see na hindi ko magawang idelete yung mga sassy girl picture dun. Naikalat ko na rin addiction ko sa lahat ng kakilala ko. Subalit, sa dalawang dosenang beses, naiyak pa rin ako, at take note, this time tagalog na ito. Praning di ba?

Eto ang kwento kung paano ko na discover. Sometime during my last year in college, umuwi ako sa batangas. Dati kasi, usually umuuwi ako Friday night then balik ako sa Manila Monday morning. Hinahatid ako ng lolo ko sa sakayan and at around 630 am, nasa ayala na ko. That time, nakasakay ako ng bus ng maaga, mga 4 am. It was one of those rare moments kung saan interesting ung movie na nag pplay sa t.v. nung bus (kadalasan mga tagalog action flicks nina cesar montano, eddie Garcia and FPJ ang trip ng mga konduktor). Mandarin film yung nakasalang and subtitled yung pelikula kaya as expected karamihan sa mga tao sa loob ng bus ay mahimbing na natutulog. But I was glued to the screen. There was this beautiful girl killing in the most impressive way everyone that got in her way with The Carpenter’s “Close to You” in the back ground. Astig kasi yung cinematography saka ang galing galing din ng plot. The movie was actually
So Close starring
Qi Shu, Vicki Zhao, Karen Mok. At the end of the movie, I was crying really loud and blowing my nose so hard that the guy who shared my seat chose to transfer in a seat as far away from me as possible. Katulad ng ibang movies and books na nagustuhan ko, I couldn’t stop talking about it. Kaya yun, kinwento ko sya sa mga thesis mates ko, sa mga kaklase ko, at sa kapatid ko. It’s remarkable to note that in terms of movies, books, novels and tv series, my sister and I have exactly the same taste. And in terms of everything else, sobrang magkaiba kami.

A few months after that, she sent me a text message saying that she had watched so close and it was really good. She also added, “Ate, hanap mo yung sassy girl, ang ganda ganda din”. So that was when it all happened, the rest as they say, is history. I became the movie’s number one fan. Nagkatoon kasi nun, si mabel meron syang copy ng My Sassy Girl and she said she would give me a copy. Astig sya. At simula nga nun, ayan, isa na kong sassy girl addict. Ewan ko ba. I really find the movie way too cute. Nung hindi pa kami ni yabs ko, I cry everytime na mapapanood ko sya kasi parang ganun din situation namin. We are always together. We have so much fun just talking to each other. We never talk about how we feel. Tapos, I was afraid na baka mangyari din sa min yun, bigla na lang mag hiwalay out of the blue. Kaya iyak ako ng iyak everytime na mapapanood ko sya. Sabi nga ni she, "grays i know kung bakit mo gusto yung my sassy girl , eh ikaw yan eh. kwento mo yan." Kaya lang, after maging kami, eh di hindi na ko nakaka relate kay gyun woo… pero umiiyak pa rin ako! I just really find the movie so lovely, I cant help it. Ang galing galing talaga nung nagsulat nung book na yun.Pati na rin yung gumawa ng movie. But most of all, mahal ko na si gyun woo. Dakila sya. He did everything for the one he loves. Pero mas mahal ko si yabs ko, I feel as if I have my gyun woo with me everytime na kasama ko sya. (if you're reading this, di hamak na mas gwapo ka kesa sa kanya) ;) Pangarap kong magkaroon ng copy nung book kung merong English version. Isa pang pangarap, kapag meron akong kakilalang magagawi sa hongkong, magpapabilli ako ng original DVD ( an idea inspired by a fellow addict – misyel). At to tell you honestly, if right at this moment, i get hold of a copy ng my sassy girl on my hands papanoorin ko pa rin sya. And for sure, maiiyak na naman ako.

Yan din ang dahilan kung bakit nahilig ako sa mga Korean movies and series. Ang gagaling kasi ng mga movies ng mga koreano. Magaling silang mag present ng story. After Sassy Girl, I’ve grown to love quiete a number of Korean movies too.

Ehehehe… If you love watching movies and you haven’t watch My Sassy Girl, you should watch it. Otherwise, you’ll be missing something great. And if like me, you’ll find this movie good enough, sunod mong panoorin yung Windstruck then Lover’s Concerto. Trust me, they’re amazing.
Just a thought, they should be paying me for advertising this movie so much, right? (",)

Get awesome blog templates like this one from BlogSkins.com